Home NATIONWIDE Bolivia inilagay sa state of emergency sa matinding pag-ulan

Bolivia inilagay sa state of emergency sa matinding pag-ulan

BOLIVIA – Idineklara na ang state of emergency sa La Paz, Bolivia dahil sa matinding pag-ulan.

Nitong Linggo, Marso 10, ipinakita ng pamahalaan ang umapaw na mga ilog na sumira sa maraming mga tirahan.

Nangako si Bolivian President Luis Arce na magpapadala ito ng heavy machinery at 3,000 sundalo upang mapigilan ang mas matindi pang pinsala.

“We are deeply concerned by the difficult situation that our municipality in La Paz is going through,” sinabi ni Arce.

Nitong weekend ay isa ang nasawi sa La Paz dahil sa matinding pag-ulan, habang nasa 50 katao ang nasawi sa buong bansa mula nang magsimula ang tag-ulan noong Enero. RNT/JGC

Previous articleRobin, na-bash sa Quiboloy issue, nag-react!
Next articleYouTuber inireklamo ni Kiko Pangilinan sa DOJ