Home METRO Lalaking nang-harass ng babae, sinapak ng nobyo, todas

Lalaking nang-harass ng babae, sinapak ng nobyo, todas

219
0

Bulacan – Patay ang isang lalaki matapos umanong suntukin sa mukha ng nobyo ng babaeng hinarass niya, sa lungsod ng Malolos noong Mayo 25.

Sa ulat kay PCOL Franklin Estoro, Officer-in-Charge ng Bulacan Police, kinilala ang suspek sa ilalim ng alyas na Angel, habang hindi na isinapubliko ang pagkakakilanlan ng biktima.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng Malolos Police Station, naganap ang insidente bandang alas-10:30 ng gabi sa Barangay Santor.

Nabatid na ang biktima, kasama ang mga kaibigan, ay pasakay na sana sa motorsiklo nang harapin sila ng suspek at akusahan ang isa sa kanila ng umano’y pangha-harass sa kanyang kasintahan.

Bigla umanong sinuntok ng suspek ang biktima sa mukha, dahilan upang ito ay bumagsak, mawalan ng malay, at hindi na nakaalpas pa.

Agad dinala sa pinakamalapit na pagamutan ang biktima, ngunit idinaklara itong dead on arrival.

Kasalukuyang nakakulong si alyas Angel at nahaharap sa kasong Homicide. — Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here