Home METRO Lalaking ‘nanghihipnotismo, nambibiktima ng mga bata, tinutugis

Lalaking ‘nanghihipnotismo, nambibiktima ng mga bata, tinutugis

126
0

MANILA, Philippines – Tinutugis ngayon ng mga awtoridad ang isang lalaki na nagpapanggap na kakilala ng kanyang bibiktimahin at umano’y nanghihipnotismo sa Maynila.

Sa ulat, kasabay ng suspek na nagbibisikleta ang isang batang babae, kung saan makikita na sinisimplehan na ng suspek sa baywang ang cellphone ng biktima at nakaipit na P1,000.

Napag-alaman na ang pera ng biktima ay pambili sana ng kanilang meryenda sa tapat ng kanilang bahay, ngunit bumalik ito na umiiyak.

Ayon sa ina ng biktima, nagpanggap umano ang lalaki na nagpakilalang si Toper na kakilala ng kanyang anak.

Mula sa Oroquieta, naglakad ang biktima at ang lalaki papunta sa P. Guevarra Street at kinuha ang aabot sa P5,000 halaga ng cellphone at pera ng bata.

Sa pagbabaybay sa mga CCTV sa lugar, makikita ang suspek sa mga lugar sa Punta, Santa Ana, Maynila na kapareho ng damit at sumbrero ng suspek.

Nanawagan naman ang pulisya at lokal na pamahalaan na madakip ang lalaki para hindi na makapambiktima pa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here