Home METRO Lalaking tulak huli sa droga at boga

Lalaking tulak huli sa droga at boga

MANILA, Philippines – Swak sa kulungan ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng baril at P68,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City.

Base sa isinagawang buy bust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Caloocan police at ng PDEA naaresto si alyas “Jojo”, 44, na itinuturing bilang high value individual.

Alas-3:47 ng madaling araw nang dambahin ng mga operatiba ng SDEU ang suspek sa Brgy., 185 matapos bintahan ng P6,500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Nakumpiska sa suspek ang nasa 10 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P68,000, buy bust money at isang kargadong kalibre .38 revolver.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at R.A 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. Merly Duero