Home METRO NPA na may P1.2M patong sa ulo, arestado

NPA na may P1.2M patong sa ulo, arestado

234
0

QUEZON – NADAKIP ng mga awtoridad ang isang miyembro umano ng New People’s Army (NPA) na may patong na P1.2 milyon sa ulo, iniulat kahapon, Hunyo 15 sa bayan ng Gumaca.

Kinilala ang suspek na si Ordasco Ordante alyas “Ka Sakay,” 61, residente ng Barangay Santa Maria Lopez.

Sa bisa ng warrant of arrest sa kasong murder at kidnapping mula sa mga korte sa Puerto Princesa City, naaresto ang suspek sa Barangay Rosario nitong Sabado, Hunyo 14.

Ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG) Memorandum Circular No. 2025-2, parehong walang piyansa ang mga kasong kinakaharap ng suspek.

Nasa kustodiya ngayon ng Gumaca Municipal Police Station ang suspek para sa dokumentasyon at tamang proseso saka i-turn over sa korte. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here