Home METRO Lalaking umiihi sa likod bahay pinagbabaril ng 16 anyos na estudyante, arestado

Lalaking umiihi sa likod bahay pinagbabaril ng 16 anyos na estudyante, arestado

1
0

QUEZON, Philippines – Arestado ang isang 16 anyos na estudyante nang pagbabarilin nito ang isang lalaking umiihi sa likod bahay na kasalukuyang nasa kririkal na kondisyon kagabi sa Barangay Pury San Antonio, Quezon.

Ang biktima na nilalapatan ng lunas sa Peter Paul Medical Center sa Candelaria, Quezon sanhi ng tinamong tatlong tama ng bala sa parte ng katawan na si alyas Jerome 25, nanninirahan sa Purok 3 Barangay Pury ng nabanggit na lugar.

Samantalang sa mabilis na responde ng mga pulis San Antonio Municipal Police Station kaagad na nadakip ang suspek na nakilala sa alyas Witheld 16, student residente ng nasabing probinsya.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya dakong alas- 10:20 kagabi habang ang biktima na kasalukuyang umiihi sa likod ng kanilang bahay nang makita nito ang suspek na sumisilip sa dingding ng kanilang bahay na may takip sa ulo ng tuwalya.

Napag- alaman na kaagad umanong  pinaputukan ng suspek ng tatlong beses ang biktima matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang suspek, kung saan sa mabilis na responde ng mga pulis ay naaresto ang suspek. /Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here