Home ENTERTAINMENT Zoren, ‘pampakalma’ ni Carmina!

Zoren, ‘pampakalma’ ni Carmina!

1
0

Manila, Philippines – Aminado si Carmina Villaroel na siya ang tipo ng tao na nerbyosa.

Katunayan, itinuturing daw niyang ‘valium’ o pampakalma ang kanyang mister na si Zoren Legaspi.

Katunayan, sobrang bait daw ng kanyang mister.

Hindi rin daw siya binibigyan ng rason ng kabiyak para magselos.

Bagama’t nagkakaroon daw sila ng isyu paminsan-minsan na natural lang sa isang mag-asawa, agad daw na nare-resolba nila ito at hindi pinalilipas ang araw na hindi sila nagkakaayos.

Nang may lumabas daw na blind item noon tungkol sa power couple na ‘on the rocks’ ang marriage, pero dedma lang daw ang kanilang naging attitude.

Pero nang may mang-urot daw sa kanila, na-flatter daw sila sa halip na mainis dahil sa bansag na ‘power couple.’

Ayon pa sa actress, naniniwala siyang ang paglokoko ay nagsisimula kapag ang mga sangkot sa relasyon ay tumitigil na sa pagpapahalaga sa bawat isa.

Hirit pa niya, napaka-importante rin daw ng respeto at dapat ay bukas ang komunikasyon sa isang relasyon.

Dagdag pa niya, patuloy pa rin daw nilang ini-explore ang misteryo ng bawat isa kaya hindi sila nagkakasawaan. Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here