Home METRO Lalaking wanted sa illegal na droga arestado sa Maynila

Lalaking wanted sa illegal na droga arestado sa Maynila

MANILA, Philippines – Arestado ang isang lalaking wanted sa Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Kinilala ang suspek na si Ar-Jay Patata alyas “RJ,” 28 anyos, walang trabaho at residente ng Brgy. 649, ng nasabing lugar.

Ayon sa Manila Police District Baseco Station 13, dakong alas-11:30 ng umaga nang isilbi ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section ang warrant of arrest laban kay Patata, alinsunod sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang warrant ay inilabas ni Judge Danilo Leyva ng RTC Branch 175 sa Maynila, na may rekomendadong piyansang ₱2,500 sa kasong may kinalaman sa iligal na droga.

Ang isinagawang operasyon ng mga operatiba ay naidokumento gamit ang body-worn camera alinsunod sa utos ng korte.

Nasa kustodiya na ito ng mga awtoridad habang hinihintay ang pormal na disposisyon mula sa korte. Jocelyn Tabangcura-Domenden