Home ENTERTAINMENT Gerald, di totoong nasa Pinas, panay ang rampa sa US!

Gerald, di totoong nasa Pinas, panay ang rampa sa US!

Manila, Philippines- Hindi totoo ang kumakalat na tsikang nakauwi na ng Pilipinas ang estranged husband ni Ai Ai de las Alas na si Gerald Sibayan.

Ito’y ayon sa ulat ng PEP.

Upon checking with the Bureau of Immigration ay August 2021 pa ang huling departure ni Gerald patungong US.

Nagsimula kasing umugong na narito sa bansa si Gerald dahil out of status na ito.

Ibig sabihin, hindi legal ang pananatili nito sa US.

Ito’y matapos bawiin ni Ai Ai ang Petition for Alien Relative na finayl niya noong January pero naaprubahan nitong March 2025.

Sa pamamagitan kasing ‘yon makukuha ni Gerald ang kanyang green card para maging residente na ng US.

Matatandaang ang pagkakaroon ng ibang babae nito ang naging mitsa ng pagkabuwisit ni Ai Ai sa kanya.

Sa Viber lang din kasi nakipagkalas si Gerald kay Ai Ai sa mismong kaarawan nito last year.

Ayon sa mga kapwa rin Pilipinong nasa San Francisco at Freemont, madalas daw nilang makita si Gerald doon na may kasamang babae.

Tinatayang ang babaeng Chinita at mahaba ang buhok ang ipinagpalit ni Gerald kay Ai Ai. Ronnie Carrasco III