Home ENTERTAINMENT Mikee, graduate na ng architecture!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Mikee, graduate na ng architecture!June 23, 2025 16:31 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Nagbunga rin ang pagsisikap at pagtitiyaga ni Mikee Quintos sa pag-aaral.In her Instagram Stories, ipinost ng Kapuso actress ang kanyang larawan na naka-itim na toga at graduation sash.Makaraan nga nang sampung taon ay gradweyt na si Mikee ng kursong Architecture mula sa University of Santo Tomas.Matatandaang bahagi ng kanyang thesis noong February ang magsagawa ng survey sa GMA Compound.Ikinalat niya ang QR Code sa buong GMA para sagutan ang survey whose respondents included network employees and visitors.April nang ipasa ni Mikee ang kanyang thesis defense.Matatandaan ding naging crucial ang period na ito para sa aktres.Nataon kasing nag-split sila ng nobyong si Paul Salas.Despite that, hindi ‘yon naging dahilan para madiskaril ang aktres sa kanyang pag-aaral at career.Sayang, for sure, nabi-visualize na ni Mikee ang kanilang dream house ni Paul kung magnobyo pa sila hanggang ngayon.Dream house na si Mikee of course ang magdidisenyo.House na mananatiling dream na lang…how sad. Ronnie Carrasco III