Home ENTERTAINMENT Vilma-Coco movie, false alarm!

Vilma-Coco movie, false alarm!

Manila, Philippines- Marami na ang bumati kay direk Brillante Mendoza sa ipinost niyang picture sa Facebook showing him with Vilma Santos and Coco Martin.

Matik nga namang inisip ng mga netizens–particularly celebrities–na may nilulutong project starring the Star for All Seasons and ABS-CBN’s Primetime King.

Para nga matuldukan na ang ispekulasyon ay sinagot na ng award-winning director ang tanong.

Aniya sa isang reporter na kumontak sa kanya, ang larawang yon daw ay kuha sa meeting nilang tatlo over lunch.

Yes, it was for a possible movie.

Totoo rin daw na may inialok siyang concept sa premyadong aktres.

Pero dahil balik-local politics na ito’y magkakaroon ng pagbabago sa plano.

Sa ngayon daw ay malabong matuloy ang Vilma-Coco movie.

Idinahilan ni direk na kapwa raw busy ang dalawa.

At common sense din naman–alangan namang sumabak agad sa showbiz work si Vilma na mas dapat tumutok sa kanyang trabaho bilang Batangas Governor.

Vilma knows too well her priority list. Ronnie Carrasco III