MANILA, Philippines – Pinabulaanan ng Malakanyang ang ispekulasyon na mas nagpalawak ng lamat sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pag-alis kay Gen. Nicolas Torre III bilang pinuno ng Philippine National Police.
“Hindi po ‘yan nangyayari, at hindi po yan ‘ang nakikita natin dahil sabi nga natin na si General Torre ay napakagaling na public servant, at maaari pa rin syang magsilbi sa bayan,” sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro.
Ani ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio at Kabataan party-list Rep. Renee Louise Co nitong Martes, Agosto 26, ang pag-alis kay Torre sa PNP matapos lamang ang 85 araw sa posisyon ay “unmistakable evidence of escalating internal conflicts and systemic breakdown within the Marcos administration.”
“Ang patuloy na rigodon at awayan sa loob ng PNP ay nagpapatunay sa lumalalim na hidwaan sa administrasyong Marcos. Magkakaibang mga grupo ang nag-aagawan ng kapangyarihan sa gitna ng malalang korapsyon sa gubyerno, kapos na serbisyong panlipunan, at lumalalang kahirapan ng mamamayan,” sinabi pa ni Tinio, House Deputy Minority Leader. RNT/JGC