Home NATIONWIDE Landslide areas sa Mindanao kasunod ng lindol natukoy sa mapa ng PhilSA

Landslide areas sa Mindanao kasunod ng lindol natukoy sa mapa ng PhilSA

1
0

MANILA, Philippines – Inilabas ng Philippine Space Agency (PhilSA) nitong Sabado, Hunyo 20 ang satellite data na nagpapakita ng mga lugar kung saan naganap ang mga landslide nang yumanig ang malakas na lindol sa Mindanao.

Nakita sa mapa ng PhilSA ang earthquake-induced landslides na nakaapekto sa barangay Calabanit, Ilaya, San Vicente, Congan, at Calpidong sa Glan, Sarangani; at barangay Butuan, Patulang, Sugal, Nuing, San Isidro, at Batulan sa Jose Abad Santos, Davao Occidental.

Posibleng umabot sa 137.87 ektarya ang kabuuang lawak ng lugar na apektado ng landslide.

Ang landslide areas, ayon sa PhilSA, ay natukoy sa pagkilatis sa vegetation loss sa pagitan ng pre-disaster (01 June 2026) at post-disaster (14 June 2026) images mula sa Sentinel-2A at Sentinel-2B satellites ng European Space Agency.

“Vegetation loss was quantified by a significant decrease in Normalized Difference Vegetation Indices (NDVI) between the satellite images. The maps are subject to ground validation,” ayon sa PhilSA.

Makatutulong ang datos ng PhilSA sa pagmonitor ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa sitwasyon at pagsasaprayoridad ng mga aabuting lugar.

“PhilSA will continue monitoring satellite data as the situation requires,” dagdag pa. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here