Home OPINION MGA BENEPISYO NG PHILHEALTH YAKAP, GAMOT PACKAGE, ILALAPIT SA MGA MANGGAGAWANG FILIPINO

MGA BENEPISYO NG PHILHEALTH YAKAP, GAMOT PACKAGE, ILALAPIT SA MGA MANGGAGAWANG FILIPINO

1
0

KASUNOD ng bagong labor advisory na inilabas ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa ilalim ng pamumuno ni Acting Secretary Francis Tolentino, pinalalakas ngayon ng pamahalaan ang pagpapakalat ng impormasyon ukol sa mga komprehensibong benepisyong maaaring makuha ng mga manggagawa sa ilalim ng “Yaman ng Kalusugan Program” o YAKAP ng PhilHealth.

Ang YAKAP ay isang pinala­wak na primary care package ng PhilHealth na nagbibigay ng iba’t ibang mahahalagang outpatient services. Kabilang sa mga libreng benepisyo na sakop ng programa ang regular na konsultasyon sa doktor, laboratory tests, cancer screening, at iba pang pangunahing serbisyong medikal para sa mga rehistra­dong miyembro at kanilang mga kwalipikadong dependents. Layunin ng programang ito na makatutulong na mabawasan ang kabuuang gastusing medikal ng mga pamilyang Filipino sa pamamagitan ng maagang pagsusuri at paggamot, bago pa man humantong ang karamdaman sa mas malubha at magastos na pagkakaospital.

Bukod sa mga libreng pagsusuri, tampok din sa programa ang GAMOT o “Guaranteed and Accessible Medications for Out­patient Treatment” package. Nagbibigay ito ng libreng ak­ses sa hanggang 75 uri ng maintenance at mahahalagang gamot na maaaring umabot sa halagang hanggang P20,000 kada taon para sa bawat kwa­lipikadong benepisyaryo ng prog­rama.

Upang mapakinabangan ang libreng gamot, kinakaila­ngan munang magparehistro ang miyembro sa YAKAP gamit ang eGov app, PhilHealth online por­tal, o sa alinmang tanggapan ng ahensya, at kumuha ng opisyal na reseta mula sa isang YAKAP-accre­dited o PhilHealth-certified na dok­tor.

Samantala, iniulat ng DOLE na naging matagumpay ang pa­unang rollout ng programa sa hilagang bahagi ng bansa, kung saan mahigit 41,000 mangga­gawa na sa Ilocos Region ang ma­tagumpay na nairehistro sa YAKAP sa pamamagitan ng mga isinagawang mabilisang on­site registration activity.
Ang ta­gumpay na ito sa Ilocos ay magsisilbing pangunahing modelo para sa mas malawakan at mas pinaigting na pagpapatupad ng programa sa iba pang mga rehiyon sa Pilipinas. Inaasahan ng administrasyon na ang malawakang pagpapatala sa YAKAP ay magpapababa sa bilang ng mga Filipinong naghihirap dahil sa out-of-pocket medical expen­ses.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here