Home NATIONWIDE Lapid pumalag sa paratang na POGO protector: Magbibitiw ako kapag napatunayan

Lapid pumalag sa paratang na POGO protector: Magbibitiw ako kapag napatunayan

Hinamon ni Senador Lito Lapid ang mga nag-aakusa sa kanya partikular na ang mga vlogger na hindi pinangalanan ng mambabatas, na magbibitiw ito sa pwesto bilang senador kapag mapatunayan na sangkot o may kinalaman siya sa nilusob na POGO hub sa Porac, Pampanga. CESAR MORALES

MANILA, Philippines – Matinding pinalagan ni Senador Lito Lapid ang akusasyon na pag-aari nito ang 10 ektaryang lupain na kinatatayun ng kuta ng Lucky South 99 Outsourcing, ang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Porac, Pampanga.

Sa kanyang pagdalo sa ginanap na pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, sinabi ni Lapid na hindi nito pag-aari ang naturang lupain na ibinabandera ng isang di pinalanganang vlogger.

Aabot sa 42 gusali ang nakatayo sa naturang lugar na itinuturing na POGO hub sa Porac.

Nilusob ng awtoridad ang compound magtapos matuklasan ang operasyon ng human trafficking at iba pang illegal na aktibidad na nangyayari sa loob ng kuta.

Tiniyak ni Lapid na magbibitiw siya bilang senador kapag napatunayang sangkot sia sa operasyon ng POGO.

“I will resign as a senator if it is proven that I am involved in that POGO. I will not allow that my name be tarnished here. I’ve been a vice governor of Pampanga for three years, I have been a senator for three terms…I won’t allow my name to be ruined here,” ayon kay Lapid sa ginanap na pagdinig ng Senate panel.

Inireklamo din ng senador na kapag ganito ang alegasyon, magkakaroon ng negatibong epekto at maitataboy ang potensiyal na investor.

Inatasan din ni Lapid si Porac Mayor Jaime Pilapil, na ayusin ang sitwasyon upang mapaganda ang imahe ng lalawigan.

“That’s what we are worried about. Investors in Porac are already starting…but these problem on POGO is hounding us. Our reputation to investors have turned negative, mayor,” aniya.

“That’s why I urge you mayor, to cleanse Porac of these POGOs,” apela ni Lapid.

Sa naturang pagdinig, sinabi naman ni Senador Grace Poe na napapanahon na upang ipatigil ang operasyon ng POGO sa buong bansa.

“It is time for the government to totally ban POGOs in the country as they could not be regulated due to the existence of their protectors in and out of government,” ayon kay Poe.

“Please we have to ban POGOs, let us ban POGO because it’s hard for the government to regulate them because they have protectors,” giit niya.

“In just more than year, illegal activities of POGOs have become full-blown operations inside ‘self-contained’ compounds,” paliwanag ng senador

“We are inundated with evidence of how twisted and complex the real POGO world is,” dagdag ng mambabatas.

Sinuportahan naman ni Sen. Joseph Victor “JV” Ejercito ang posisyon ni Poe sa pagsasabing marami nang natuklasan at nailantad ang Senado, hindi lamang material facts kundi impormasyon na magpapatunay na sangkot si suspended Bamban Mayor Alice Guo sa POGO hub sa Tarlac, kundi may napatutunayan at nakababahalang kadahilanan upang baguhin ng gobyerno ang operasyon sa POGO.

“I believe that we already have to hasten the phasing out of the POGO industry. Let’s not wait for a mayor to be elected or any other government official to be a protector of this illegal operations,” ayon kay Ejercito. Ernie Reyes