Home LIFESTYLE HEALTH Larval surveillance, isinagawa sa Baguio vs dengue

Larval surveillance, isinagawa sa Baguio vs dengue

161
0

BAGUIO, Philippines – Sinimulan ng City Health Services Office (CHSO) ng Baguio ang larval surveillance sa mga barangay upang matiyak na walang pinamumugaran ng lamok, kasunod ng pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

Ayon kay City Health Officer Dr. Celia Flor Brillantes, ito ay bahagi ng “response to the recent rainfalls and proactive measures for the rainy season.”

Isinagawa ang surveillance sa mga malalaking barangay, partikular sa densely populated areas, at unang tinutukan ang Barangay Irisan na may higit 20,000 residente.

“Among water containers sampled, over 20 percent per 100 households tested positive for larvae,” ani Brillantes.

Ibig sabihin, kahit iilang lalagyan lamang ang may larvae, kalat ito sa maraming bahay kaya tumataas ang panganib ng pagkalat ng dengue dahil kayang lumipad ng lamok ng hanggang tatlong milya.

Dahil dito, idineklara ang “high risk” status sa barangay upang palakasin ang “search and destroy” campaign laban sa breeding sites.

Ayon sa CHSO, mahalaga ang maagang pagkilos bago pa lumakas ang ulan upang maiwasan ang pagdami ng kaso at clustering ng dengue sa mga komunidad.

Tumutulong sa operasyon ang sanitation inspectors, Barangay Health Workers (BHWs), at Barangay Nutrition Scholars (BNS) sa paghahanap at pag-alis ng larvae sa mga lalagyan ng tubig, gulong, at paso, at sa pagbibigay ng paalala sa mga residente.

“Dengue is a year-round threat, but early intervention in high-impact areas is the city’s best defense against a spike in dengue cases,” dagdag ni Brillantes. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here