BULACAN, Philippines – Arestado ang High Value Individual nang mahulihan ng P1,079,160.00 halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation ng mga awtoridad sa bayan ng San Rafael nitong gabi ng Abril 27.
Sa ulat ni PCAPT Marc Henry SJ. Gonzales, hepe ng Doña Remedios Trinidad (DRT) police station, kinilala ang suspek na isang 59 anyos, walang trabaho at residente ng Brgy. San Nicolas, Gapan City, Nueva Ecija.
Ayon sa ulat, ikinasa ang operasyon ng Station Drug Enforcement Unit ng DRT police station katuwang ang San Rafael police at may koordinasyon sa Philppine Drug Enforcement Agency. bandang 10:40 ng gabi sa Brgy. Capihan, San Rafael.
Nasamsam sa operasyon ang 158 gramo ng hinihinalang shabu na nasa P1,079,160.00, buy-bust money at itim na belt bag.
Nabatid na ang naarestong suspek at mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa DRT police station para sa kaukulang disposisyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.
Sinabi ni PCOL Jay Baybayan, Officer-In-Charge ng Bulacan Police Provincial Office, na walang ang puwang ang iligal na droga sa lalawigang ito at walang humpay ang kanilang operasyon laban sa mga sangkot sa ganitong gawain. (Dick Mirasol III)