Home HOME BANNER STORY Last known location ni Bato, sa Mindanao – DILG

Last known location ni Bato, sa Mindanao – DILG

2
0

MANILA, Philippines – Sa Mindanao ang pinakahuling natukoy na lugar kung nasaan si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong Miyerkules, Agosto 5.

“Mindanao area,” sinabi ni Interior chief Jonvic Remulla.

Pinabulaanan din ni Remulla ang usap-usapan sa socia media na naaresto na ang senador.

Aniya, bineripika ng mga awtoridad ang report ngunit hindi ito napatunayan na totoo.

Dagdag pa ni Remulla, mananatiling transparent ang mga awtoridad sa anumang aksyon na kanilang gagawin.

Susundin din aniya ang lahat ng legal procedures kabilang ang pag-book, pagpresenta sa korte, at pagpapatuloy sa narrapat na judicial process.

Matatandaan na nagtatago si Dela Rosa matapos ilabas ng International Criminal Court ang warrant of arrest laban dito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here