MANILA, Philippines – Inaasahang magla-landfall sa Ilocos Sur o La Union ngayong Miyerkules ng gabi, Agosto 5, o Huwebes ng madaling araw ang Tropical Storm Maymay.
Ayon sa PAGASA, magulo ang nagiging galaw nito sa hilagang bahagi ng West Philippine Sea.
Alas-10 ng umaga ng Miyerkules ay huling namataan ang bagyo sa layong 185 kilometro east northwest ng Bacnotan, La Union.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 65 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 80 kilometro kada oras.
Kumikilos ito sa direksyong northward.
Samantala, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa
Ilocos Sur
Northern at central La Union
Northwestern Pangasinan
Southwestern Abra
Western Mountain Province
Northwestern Benguet
Nasa ilalim naman ng Signal No. 1 ang:
Ilocos Norte
Rest of La Union
Rest of Pangasinan
Apayao
Rest of Abra
Kalinga
Rest of Mountain Province
Ifugao
Rest of Benguet
Mainland Cagayan
Isabela
Quirino
Nueva Vizcaya
Northern Aurora
Northern Nueva Ecija
Northern Tarlac
Northern Zambales