Home NATIONWIDE Last minute hires ng dating Ombudsman nagsumite na ng courtesy resignation

Last minute hires ng dating Ombudsman nagsumite na ng courtesy resignation

284
0

MANILA, Philippines – Nagsumite na ng courtesy resignation ang halos lahat ng ‘last minute hires’ na mga na-promote na mga opisyal sa huling tatlong buwang termino ni dating Ombudsman Samuel Martires, sinabi ni Assistant Ombudsman at Ombudsman’s office spokesperson Mico Clavano nitong Lunes, Nobyembre 3.

Tinutukoy ni Clavano ang kautusan ni Ombudsman Crispin Remulla para sa 204 indibidwal lalo na ang 99 sa kanila ay nasa ilalim ng Salary Grade 25 pataas na nagsumite ng courtesy resignations bilang pagpapakita ng katapatan sa opisina ng Ombudsman.

Sinabi ni Clavano na susuriin ng tanggapan ng Ombudsman ang mga hiring at promosyon na ito at gagawa ng desisyon sa lalong madaling panahon upang matiyak na ang opisina ay may sapat na human resources upang maisakatuparan ang mandato nito na usigin ang mga tiwaling opisyal at ang kanilang mga kasamahan.

Nang tanungin ang timeline kung kailan gagawin ang pagsusuri, sinabi ni Clavano na ang mga nagsumite ng kanilang courtesy resignation ay makakaasa ng sagot sa lalong madaling panahon.

Sinabi ni Clavano na iilan lamang sa 204 ang hindi pa naghahain ng courtesy resignation.

Nauna nang tinawag ni Remulla na kwestyonable ang pagkuha at pag-promote ng 204 na indibidwal dahil ginawa ito bago ang panunungkulan ni Martires sa Ombudsman noong Hulyo ng taong ito.

Gayunpaman, naunang itinanggi ni Martires ang umano’y ginawang last minute appoitment appointment, na sinabing ang Ombudsman ay hindi isang political office at ang kanyang mga aksyon sa 204 na indibidwal ay batay sa merito. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here