Tila umano napabayaan na ang Laurel District Hospital sa Batangas, ayon sa netizens.
Ito’y dahil halos ‘di na umano mapakinabangan ng publiko ang nasabing pagamutan dahil sa sirang pasilidad, mga kagamitan, at dahil sa hindi malinis na kondisyon umano ng nasabing ospital, base sa isang Facebook post na nagpapakita ng mga larawan nito.
Ayon sa mga netizen, nagpapakita ng di kanais-nais ang kanilang nasilayan mula sa larawang ibinahagi sa Facebook page ng Asbagan kamakailan.
Mayroon ding caption ang mga nasabing larawang di kaaya-ayang tingnan.
Dahil dito, umani ng batikos mula sa mga netizen si Gov. Mandanas dahil sa anila’y tila hindi nito nabibigyang pansin ang pagamutan na bahagi ng serbisyong pangkalusugan ng komunidad.
Nagpahayag din ng pagkadismaya ang mga netizen na tila sayang ang pera ng bayan kung hindi ito ilalaan sa mga problema sa serbisyong pangkalusugan gaya ng pagamutan. RNT