Home NATIONWIDE VP Sara namahagi ng food bags sa Maynila, QC sa RIICE program

VP Sara namahagi ng food bags sa Maynila, QC sa RIICE program

2
0

MANILA, Philippines – Mainit na sinalubong ng mga residente sa Maynila si Vice President Sara Duterte matapos itong mamahagi ng food bags sa ilang mga benepisyaryo.

Sa pamamagitan ng Relief for Indigents and Individuals in Crises and Emergencies (RIICE) Program mula sa urban poor at LGBTQIA+ sector, nakapaghatid sila ng pag-asa at suporta sa pangunguna ni Vice President Sara Duterte.

Sa nasabing programa, patuloy na pinatitibay ang pagkakaisa at malasakit sa mga komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong na makatutugon sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Pinasalamatan naman ng mga residente at mga kwalipikadong benepisyaryo ang presenysa ng Bise Presidente sa kanilang lugar.

Nauna rito, unang nagtungo si VP Sara sa lungsod ng Quezon at namahagi rin ng tulong partikular sa Barangay Gulod, Quezon City, upang maipamahagi ang RIICE food bags.

Malugod ding sinalubong ng mga lokal na opisyal ng lungsod ang bise presidente. Jocelyn Tabangcura- Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here