Home ENTERTAINMENT Lauren, engaged na!

Lauren, engaged na!

202
0

Manila, Philippines – Nasa panibagong yugto ng kanyang buhay si Lauren Young ngayong engaged na siya sa kanyang longtime boyfriend na si DJ Toby Panlilio.

Ibinahagi ni Lauren ang masayang balita sa kanyang Instagram nitong February 5–kalakip ng ilang photos ng proposal ng nobyo.

Naganap ito sa kanılang recent trip sa Sapporo, Hokkaido, Japan.

Makikitang niluhuran ni Toby si Lauren habang tangan ang engagement ring.

Toby’s proposal happened in an outdoor snow-covered area katabi ng malaking Sapporo LED sign.

Obyus na proud si Lauren na ibinida pa ang singsing.

May caption sa kanyang post na: “Yes, yes and yes!.. I’m gonna marry my best friend!!! I love you so much, Toby!!!”

Bumaha naman ng congratulatory messages ang post ni Lauren from friends and fellow celebrities alike.

Kabilang sa kanila’y mula sa mismong kapatid ni Lauren na si Megan Young, bayaw niyang si Mikael Daez at kapatid ng kanyang bayaw na si Emilio.

Binati rin si Lauren ni Max Collins: “OMG! Finally yayyy!”

“Eeeeppp! Congrats!” pagbati naman mula kay Andi Eigenmann.

Bumati din sina Dani Barretto, Melissa Ricks, Valeen Montenegro, Kim Rodriguez, Jackie Lou Blanco, Samantha Bernardo, Saab Magalona at Gabby Eigenmann.

Mahigit walong taon nang magnobyo sina Lauren at Toby.

Noong 2021–sa panayam ng PEP kay Lauren ay sinabi nitong si Toby daw ang kanyang magiging happy ending.

Supposedly ay nakaplano na ang kanilang kasal–kaso’y nanalasa ang pandemya noong 2020.

The engaged couple has yet to announce their wedding details. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here