MANILA, Philippines – Target ng Commission on Elections (Comelec) na mapalawak ang local absentee voting sa bansa.
Sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na pag-aaralan ang posibilidad na mapasama ang mga nagtatrabaho sa pribadong sektor na may trabaho din tuwing eleksyon.
Kabilang rito ang mga linemen ng electric utilities gayundin ang mga abugado.
Nagpaalala si Garcia sa mga nagparehistro sa local absentee voting na hindi na papayagan pa ang mga ito na bumoto sa Mayo 12, 2025 kung mabibigo na makaboto sa itinakdang araw para sa LAV.
Ang LAV ay sinimulan ngayong araw, Abril 28 hanggang Miyerkules, Abril 30 at ito ay magbubukas alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon. Jocelyn Tabangcura-Domenden