
MANILA, Philippines – Patuloy ang agresibong kampanya laban sa ilegal na droga ng Police Regional Office 3 (PRO3) matapos makumpiska ang tinatayang P2,152,200 halaga ng hinihinalang shabu sa magkahiwalay na buy-bust operations sa Abucay at Balanga City, Bataan nitong Abril 26 at 27, 2025.
Sa unang operasyon noong Abril 26, 2025, bandang 11:45 ng umaga, isinagawa ng SDEU operatives ng Abucay MPS sa Brgy. Capitangan, Abucay, Bataan ang pagkakaaresto sa mga suspek na sina alyas “Alvin” at alyas “Izon,” parehong high-value individuals (HVI) at residente ng Brgy. Mabatang, Abucay, Bataan.