Home NATIONWIDE Lawak at saklaw ng anti-dynasty bill mahigpit na pinag-aaralan ng PBBM admin

Lawak at saklaw ng anti-dynasty bill mahigpit na pinag-aaralan ng PBBM admin

196
0

MANILA, Philippines – IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang masusing pagrepaso sa saklaw at lawak ng panukalang anti-dynasty bill.

Nangyari ito matapos ang isang pulong sa Malakanyang sa pangunguna ni Pangulong Marcos kung saan tinalakay ang mga probisyon ng anti-dynasty bill, isa sa legislative priorities ni Pangulong Marcos.

Sa press brifeing sa Malakanyang, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na layon ng pagrerebisa at pagrerepaso na paghusayin kung paano ang panukalang batas ay epektibong malilimitahan ang political dynasties habang nananatiling maipapatupad.

“Ang mga napag-usapan ay tungkol sa mga levels of ban. ‘Yung mga degree or familial relationship, types of relationship considered, consanguinity, affinity,” ayon kay Castro.

Idinagdag pa ni Castro na pinag-usapan din sa miting kung anong government positions ang maaaring saklaw ng pagbabawal, maging ito man ay sa local, national, o sa parehong antas, at kung ang prohibisyon o pagbabawal ay maa-apply ng sabay-sabay o sunod-sunod.

Binigyang diin pa ni Castro na ang probisyon ay nananatiling nasa ilalim ng pag-aaral at maaaring irekumenda sa oras na naisapinal na ang konkretong balangkas.

“Ito po ‘yung pinag-usapan para mas maging maganda yung provisions na maaaring ilagay sa batas,” ang sinabi pa rin ni Castro.

Ang Anti-Political Dynasty Billay isang panukalang batas na nagbabawal sa mga miyembro ng iisang pamilya na sabay-sabay o sunod-sunod na humawak ng matataas na posisyon sa pamahalaan.

Layunin nito na:

Iwasan ang pag-monopolyo ng kapangyarihan ng mga political families.

Bigyan ng pagkakataon ang ibang mamamayan na mamuno.

Palakasin ang demokrasya at pantay-pantay na pagtrato sa eleksyon.

Sa kabilang dako, sinabi ni Castro na kinokonsidera ng administrasyon kung paano i-balanse ang tinatawag na ‘enforceability with political realities’ kabilang na ang local government dynamics.

“No final recommendations have been submitted to Congress since the discussions are ongoing,” ang sinabi pa rin ni Castro.

At nang tanungin kung mayroong ‘specific recommendations’ ang Pangulong para sa panukalang batas, sinabi ni Castro na ang mismong miting ay naglalayon na i-refine ang mga panukala at tiyakin na sumasalamin ito sa legislative agenda ng administrasyon. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here