Home METRO Lebel ng Angat Dam, patuloy tumataas sa matinding pag-ulan

Lebel ng Angat Dam, patuloy tumataas sa matinding pag-ulan

3
0

BULACAN, Philippines – Malaki ang itinaas ng water level ng Angat Dam sa Bulacan dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan dulot ng Habagat, ayon sa PAGASA nitong Lunes, Agosto 10.

Bandang 8:00 a.m., umabot sa 170.47 metro ang antas ng tubig ng dam, mula sa 161.81 metro noong nakaraang araw. Lumampas na ito sa 160-meter critical level.

Malaking pag-angat ito mula sa 150.6 metro noong Hulyo 25, na siyang pinakamababang naitalang antas ng tubig sa dam. Gayunman, kulang pa ito ng 39.53 metro bago maabot ang 210-meter normal high water level.

Samantala, patuloy na nagpapakawala ng tubig ang Ambuklao at Binga dams sa Benguet, ngunit mas kaunti na ang kanilang inilalabas.

–Ambuklao Dam: 751.71 metro, pitong gate ang bukas, at bumaba ang water outflow sa 467.43 cubic meters per second (cms) mula 1,806 cms.

–Binga Dam: 574.44 metro o normal high water level, anim na gate ang bukas, at bumaba ang outflow sa 522.56 cms mula 1,896 cms.

Ang tubig mula sa Ambuklao at Binga ay dumadaloy patungo sa San Roque Dam sa Pangasinan, na tumaas sa 254.77 metro, ngunit 25.23 metro pa ang kulang bago maabot ang normal high water level na 280 metro.

Tumaas din ang iba pang dam:

–Ipo Dam (Bulacan): 100.59 metro, patuloy na nagpapakawala ng tubig at 0.51 metro na lamang ang kulang sa normal high water level.

–La Mesa Dam (Quezon City): 79.92 metro at malapit na sa 80.15-meter spilling level.

–Pantabangan Dam (Nueva Ecija): 182.22 metro.

–Magat Dam (Isabela): 174.34 metro.

Sa kabila ng pagtaas ng tubig, hindi pa rin naaabot ng Pantabangan at Magat dams ang kanilang normal high water levels para sa tag-ulan. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here