Home NATIONWIDE Lebel ng tubig sa mga dam nakaambang bumaba sa sabay na El...

Lebel ng tubig sa mga dam nakaambang bumaba sa sabay na El Niño, tag-init

MANILA, Philippines- Hinikayat ng state weather bureau PAGASA ang publiko nitong Martes na maging matipid sa paggamit ng tubig, sa inaasahang pagbaba ng supply nito sa mga dam sa pagpasok ng bansa sa tag-init.

Batay sa pinakabgagong datos hanggang nitonf Marso 5, ang 24-hour decline sa dams ay pumapalo sa 0.03 hanggang 0.50 meters. 

Sinabi ni hydrologist Elmer Caringal ng PAGASA Flood Forecasting and Warning Sectionna inaasahang tataas pa ang bilang na ito sa patuloy na paggamit ng tubig at kakulangan ng ulan.

“El Niño, dry season pa so walang inaasahang pag-ulan within the watershed ng mga dams natin, so asahan natin na continuous yung pagbaba niya,” pahayag niya.

“Kung dire-diretso ang ganitong scenario na wala ngang pag-ulan within the watershed at kung meron man maliliit lang na value, thunderstorm pero hindi sapat doon sa sinu-supply ng mga dams natin sa mga concessionaire, bababa talaga [ang water level].”

“Tutal dry season or summer so medyo marami ‘yung tao sa beach so du’n na lang siguro. ‘Pag sa swimming pool, lagyan na lang ng maraming chlorine para hindi recycle nang recycle,” wika ni Caringal.  

Subalit, sa kabila ng mga paalalang ito, inamin ng ilang negosyong malaking kumonsumo ng tubig na mahirap ito.

Subalit may kakulangan man ng tubig o wala, binigyang-diin ng mga eksperto na mapahahaba ng benepisyo ng wais na pagkonsumo ng tubig supply nito at mapabababa rin ang bayarin ng mga customer. RNT/SA

Previous articleBong Go umayuda, sinaluduhan pulis na napatay sa engkuwentro
Next articleThunder binusalan ng Lakers