Home NATIONWIDE Bong Go umayuda, sinaluduhan pulis na napatay sa engkuwentro

Bong Go umayuda, sinaluduhan pulis na napatay sa engkuwentro

MANILA, Philippines- Nakiramay at nagbigay ng tulong si Senador Christopher “Bong” Go sa pamilya ni Gilbert Amper, Jr., isang pulis na napatay sa pakikipagsagupa sa mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Bilar, Bohol kamakailan.

Binigyang-diin ni Go ang pasasalamat at paggalang ng bansa sa mga taong nagbubuwis ng kanilang buhay upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mamamayang Pilipino.

“Our police officers are usually unsung heroes who brave the frontlines to keep us safe. We must support them and their families, especially in times of loss,” ani Go.

“This assistance is a token of my deep appreciation and a personal pledge of continued support to our uniformed personnel,” idinagdag ng senador.

Naganap ang engkuwentro sa pagitan ng puwersa ng gobyerno at mga rebeldeng NPA sa Bilar noong Pebrero 23. Lima sa NPA ang napatay, habang isa pang pulis ang nasugatan sa bakbakan na tumagal nang 3 oras.

Sinabi ng pulisya na ang mga rebelde ang nagpasimula ng pag-atake habang naghahain ang mga pulis ng warrant of arrest. Nasamsam mula sa pinangyarihan ang ilang high-powered firearms.

Tinulungan din ni Sen. Go ang isang sugatang opisyal at binigyang-diin ang kanyang pangako na uunahin ang kapakanan ng mga nasa serbisyo.

Matatandaang isinulong ni Go ang pagpapalakas sa Balik-Loob Program, na kumikilos sa ilalim ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). Ang programang ito ay nasa ilalim ng pamamahala ng Task Force Balik-Loob (TFBL).

Ang TFBL ay nagsisilbing central coordinating body sa reintegration efforts ng gobyerno para sa mga dating miyembro ng Communist Party of the Philippines- New People’s Army- National Democratic Front (CPP-NPA-NDF), kasama ang kanilang mga pamilya.

“Ako ay nasasaktan tuwing may mga rebeldeng namamatay at lalo na kapag sundalo ang namamatay. Dahil para sa akin, Pilipino rin po ang mga ‘yan at may mga pamilya pong naiiwan ‘yan. Mahalaga ang kapayapan. Wala na po dapat na patayan, sino ba namang gustong mamatay. Masakit makitang naglalaban ang Pilipino laban sa kapwa Pilipino,” ani Go.

Ang isa sa kapansin-pansing aspeto ng Balik-Loob Program ay ang Balik-Loob Lending Program nito, isang credit facility na inaalok ng Land Bank of the Philippines. Idinisenyo ito upang tulungan ang mga dating rebelde sa pagsisimula o pagpapalago ng kanilang mga negosyo na sa huli ay makatutulong sa kanila sa pagbabalik buhay-sibilyan. RNT

Previous articleBagsik ni Ladon, Petecio ipinaramdam sa WQT
Next articleLebel ng tubig sa mga dam nakaambang bumaba sa sabay na El Niño, tag-init