Home SPORTS Lebron, Bronny sabay paglalaruin sa opening ng NBA

Lebron, Bronny sabay paglalaruin sa opening ng NBA

163
0

MANILA, Phiippines – May plano ang Los Angeles Lakers na pagsabayin sa paglalaro sa loob ng court ang mag-amang si Lebron at Bronny James sa pagbubukas ng 2024-2025 Season ng National Basketball Association (NBA).

Sa ngayon,  magkasamang nagsanay ang mag-amang Lebron at Bronny bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng bagong season ng NBA.

Bagamat hindi pa opisyal na nagsisimula ang team workout ng Los Angeles Lakers para sa pagbubukas ng bagong season, nagsimula na ang mag-ama sa kanilang training kasama ang ilang training staff ng LA.

Matatandaang nagbakasyon muna si LeBron ng dalawang linggo matapos  ang paglalaro sa Team USA noong Paris Olympics.

Agad siyang bumalik sa practice makalipas ang ilang lingo, kasama ang kanyang anak at teammate.

Ito ang kauna-unahang sa kasaysayan ng NBA na sabay maglalaro sa isang team ang isang mag-ama.

Ayon sa insider, sinusubukan na ng dalawa ang pickup game, switching, passing, atb pang play na nangangailangan ng magandang koneksyon at koordinasyon sa pagitan ng dalawa o mas higit pang player.

Sa kasalukuyan, 19 anyos ang 6’2 na si Bronny habang ang kanyang tatay ay 39 anyos.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here