PARIS – Itinalagang male flagbearer si LeBron James, ang all-time leading points scorer ng NBA, para sa Team USA sa Paris Olympics, inihayag ng United States Olympic & Paralympic Committee (USOPC) kahapon.
Si James, 39, ay kinuha para sa seremonya sa Biyernes sa ilog Seine. Ang babaeng flagbearer ay iaanunsiyo sa Martes.
“Isang hindi kapani-paniwalang karangalan na kumatawan sa Estados Unidos sa pandaigdigang yugto na ito, lalo na sa isang sandali na maaaring pagsamahin ang buong mundo,” sabi ni Los Angeles Lakers power forward James sa isang pahayag mula sa USOPC.
“Para sa isang bata mula sa Akron, ang responsibilidad na ito ay nangangahulugan ng lahat hindi lamang sa aking sarili, ngunit sa aking pamilya, lahat ng mga bata sa aking bayan, aking mga kasamahan sa koponan, kapwa Olympians at napakaraming tao sa buong bansa na may malalaking adhikain,” ani LeBron.
“May kapangyarihan ang sports na pagsamahin tayong lahat, at ipinagmamalaki kong maging bahagi ako ng mahalagang sandali na ito.”
Unang pagkakataon na magbubukas ang Summer Olympics sa labas ng panguhaning stadium sa gagawing seremonya sa Seine.
Si James, isang Olympic gold medalist noong 2008 at 2012, ay hindi lamang ang NBA star na nakatakdang magdala ng bandila para sa kanyang bansa sa Paris.
Si Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks, isang two-time NBA Most Valuable Player at league champion sa 2021, ang gaganap sa papel para sa Greece.JC