Manila, Philippines – May kasabihan ngang matuto kang bumangon mula sa iyong pagkakadapa.
Ito ang literal na ginawa ni Herlene Budol matapos mahulog sa stage sa dinaluhang GMA Gala nitong Sabado ng gabi sa Manila Mariott Hotel sa Pasay City.
Makikita kasi sa video na rumarampa ang Kapuso actress nang bigla na lang na-off balance.
Inirampa ni Herlene ang Leo Almodal creation na Birth of Venus inspired by the work of Italian painter Sandro Botticelli.
Ipinapalagay na either natapakan ni Herlene ang laylayan ng kanyang gown o nagkamali siya ng hakbang.
Makikita rin sa maikling video ang patakbong pagresponde ni Barbie Forteza para tulungan ang kapwa Kapuso star.
Bagama’t marami ang nag-alala para sa sinapit ni Herlene ay may ilan ding nagbatikos sa kanya.
Ayon sa mga ito, intentional daw o sinadya ang pagkakahulog niya sa stage.
Dito na rumesbak si Herlene laban sa kanyang mga bashers.
Aniya: “Sa tingin n’yo, gusto kong madapa? Accidents happen.”
Dagdag pa ni Herlene, ang importante’y safe siya at hindi nasugatan.
Nakuha pang ikunek ng beauty queen sa realidad ng buhay ang sinapit niya: “Pag nadapa, bumangon ka. Lahat tayo’y nadadapa sa buhay.”
In reality, sino bang may gustong madapa? Huwag na ‘yung kahihiyan kundi ang pinsalang maaari mong matamo. Ronnie Carrasco III