Home NATIONWIDE Ledesma: PhilHealth naging inspirado sa pagbabantay ni Bong Go

Ledesma: PhilHealth naging inspirado sa pagbabantay ni Bong Go

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng pasasalamat si PhilHealth President Emmanuel Ledesma Jr. sa marubdob na adbokasiya ni Senator Christopher “Bong” Go na bantayana ang ahensiya para sa ikabubuti ng pangangalagang pangkalusugan sa bansa.

Sa pampublikong pagdinig sa Senado ng committee on health noong Huwebes, Enero 16, binigyang-diin ni Ledesma kung paano naudyukan ng dedikasyon ni Senator Go ang mga opisyal ng PhilHealth na magtrabaho nang mas maigi at mas mahusay.

“Mr. chair, you mentioned earlier that you will not stop and you will continue to have hearings and to make us bantay. We value that very much, Mr. chair,” ani Ledesma sa pagsasabi pang napakahalaga ng pagiging aktibo ni Senator Go para matiyak na natutupad ng ahensiya ang mga mandato nito.

Idinagdag pa ni Ledesma na, “On behalf of PhilHealth, we’d want to express our utmost gratitude to you, Mr. chair, for all your support, comments, inputs, and guidance to PhilHealth. Malaking bagay po sa amin ‘yan. In fact po, ‘yung passion n’yo for healthcare has rubbed off on us officers at PhilHealth. Kaya talagang very masipag kami, hardworking. Thanks to you, Mr. chair. Sana tuloy-tuloy po tayo sa 2025, Mr. Chair.”

Sa pagpapatuloy ng pagdinig, inulit ni Senator Go na kilala bilang “health reforms crusader,” ang kanyang pangako sa pagtiyak ng access sa de-kalidad na pangangalagang pangkalusugan para sa lahat ng Pilipino.

Ibinahagi ang kanyang hangarin para sa isang malusog na bansa sa mga darating na taon, partikular na binigyan niya ng diin ang kahalagahan ng papel ng PhilHealth sa pagbibigay ng suporta sa mga nahaharap sa mga hamon sa kalusugan.

“Salamat. ‘Yan naman po ang wish ko sa Pilipino. Happy Healthy New Year po sa ating lahat. Hirap pong magkasakit,” sabi ni Senator Go.

“Sabi ko, sana magbigyan tayo ng Panginoon ng magandang kalusugan ngayong taong ito. With the help of PhilHealth, kung sino man po ang magkasakit na huwag naman sana, ay meron silang masasandalan at hindi sila matakot sa kanilang pagpapa-hospital,” ani Go ukol sa pagbibigay ng mga karampatang tulong sa mga pasyente.

Bilang tagapangulo ng Senate committee on health, patuloy na binibigyang-diin ni Senator Go na napakahalaga ng pagdaraos ng mga pagdinig at pagtiyak ng pananagutan sa loob ng mga ahensya tulad ng PhilHealth.

Ang kanyang pokus ay nakatuon na gawing accessible at abot-kaya ang healthcare, partikular sa marginalized Filipinos na mas bulnerable na lumolobong gastusin sa pagpapagamot o pagpapaospital. RNT