Home NATIONWIDE Legarda nangako ng pagtugon sa gaps, reporma sa edukasyon sa term extension...

Legarda nangako ng pagtugon sa gaps, reporma sa edukasyon sa term extension sa Edcom 2

163
0

MANILA, Philippines — Nangako si Senador Loren Legarda na paiigtingin ang pagtugon sa mga kakulangan at reporma sa sektor ng edukasyon matapos maisabatas ang Republic Act No. 12315 na nagpapalawig ng termino ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) ng dalawang taon.

Bilang may-akda at principal sponsor ng batas, sinabi ni Legarda na mahalaga ang extension upang maipagpatuloy ng komisyon ang pagtukoy sa mga sistemikong problema sa edukasyon at maisulong ang mga konkretong solusyon.

“As EDCOM II continues its work, we must be deliberate in strengthening our education system,” ani Legarda.

Ayon sa ulat ng EDCOM II na Turning Point: A Decade of Necessary Reform (2026–2035), lumalabas na halos kalahati ng Grade 3 learners ay hindi nakakabasa sa tamang antas, habang 88% ng Grade 7 students ay hindi pa handa sa reading level na inaasahan sa kanilang baitang.

Nabatid din na mas mababa sa 1% ng Grade 12 students ang umaabot sa proficient level.

Tinukoy rin sa ulat ang mga pangunahing suliranin tulad ng mahina na foundational learning, kakulangan sa pondo, hiwa-hiwalay na pamamahala ng sistema, at malalim na agwat sa pagitan ng urban at rural schools.

Napansin din na hindi tugma ang ilang kurikulum sa mga high-growth industries gaya ng advanced manufacturing, turismo at information and communications technology (ICT), na nagiging dahilan upang hindi handa ang mga graduate sa pangangailangan ng labor market.

Upang matugunan ito, inirekomenda ng EDCOM II ang pagpapalakas ng early literacy at numeracy programs, mas matibay na suporta sa mga guro, dagdag na pondo sa last-mile schools at mas maayos na pamamahala ng sistema.

Ayon kay Legarda, malinaw sa mga datos kung saan pumapalya ang sistema ng edukasyon.

“We will make sure every reform we advance is evidence-based, targeted, and built to last,” aniya.

Kabilang sa mga panukalang batas na inihain ni Legarda na nakaayon sa rekomendasyon ng EDCOM II ang Last Mile Schools Act, Higher Education Development and Innovation Act, TESDA Modernization Act, at mga amyenda sa Universal Access to Quality Tertiary Education Act. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here