Home NATIONWIDE Legarda planong ihalal na Senate president sa pagtatapos ng 20th Congress –...

Legarda planong ihalal na Senate president sa pagtatapos ng 20th Congress – Sotto

170
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ni Senate President Vicente Sotto III na walang term sharing agreement sa Senate presidency ngunit mayroong plano ang mayorya na gawin si Senador Loren Legarda bilang Senate President bago matapos ang 20th Congress.

“Hindi naman but we plan to make her SP before 20th Congress ends,” ani Sotto.

Ang 20th Congress ay magtatapos sa Hunyo 30, 2028. Maaaring maging Senate President ang sinumang senador na makakakuha ng 13 boto.

Matatandan na sa pagtatapos ng plenary session ng Senado nitong Miyerkules, Pebrero 4 ay si Legarda ang nanguna sa sesyon at tinawag ni Senate Majority Leader Miguel Zubiri bilang “Madame President.”

Ito ay kasunod ng mahabang break sa plenary session dahil sa paulit-ulit na ugong ng coup sa liderato ng Senado.

Sa pagbabalik, si Zubiri ang nanguna sa floor habang si Legarda naman sa podium na karaniwang inookupa ni Senate President Vicente Sotto III o Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson bilang presiding officer.

Samantala, sa mahabang break ay nagpost ng larawan si Senador Francis Pangilinan kasama sina Legarda, Zubiri, Sotto, Lacson, at Senador JV Ejercito, Win Gatchalian, Bam Aquino at Risa Hontiveros na kumakain sa conference room. Makikita ang caption ni Pangilinan na may nakalagay na “#PowerSharing.”

Kalaunan ay nilinaw ni Pangilinan na biro lamang iyon.

Siniguro naman ni Pangilinan na matatag ang Senate presidency ni Sotto. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here