MANILA, Philippines- Sa halip na senador, kakatawan sa isang partylist si dating senator Leila de Lima na irerepresenta ang marginal sectors.
Alas -11:30 ng umaga nang dumating sa Manila Hotel The Tent City si de Lima kasama ng kanyang kapwa nominado sa ilalim ng ML o Mamamayang Liberal Partylist.
Sinabi ng dating senador na lalabanan ng ML ang social injustice sa marginal sector, buhay at pamilya dahil sa mga bogus at online gambling na hinayaaang nagkalat dahil sa pagkukuntsabahan ng liderato.
Ayon pa kay de Lima, ang ML ay laban din ng mga sundalo na nagpapahirap habang binabantayan ang teritoryo ng mga Pilipino– mga karagatan at sariling isla.
Muli namang inalala ni de Lima na siya ay pinatahimik at nakulong ng mahabang panahon.
“But my conviction, that remain unshakened that the Filipino people deserves.”
Ayon sa dating senador, nirerepresenta ng ML ang mga napag-iiwanan ng sistema.
“We are here as a strong voice to the marginalize and to fight for true representation– hindi kami sususko at aatras, magiging tapat kami sa mga Filipino patuloy naming ipapaglaban ang isang gobyerno na pagkakatiwalaan ng atingga kabbaayan,” pahayag ni De Lima na siyang first nominee ng ML. Jocelyn Tabangcura-Domenden