Home METRO 200 foreign workers naabutan sa nilusob na POGO ‘scam hub’ sa Pasay

200 foreign workers naabutan sa nilusob na POGO ‘scam hub’ sa Pasay

200
0
Image Representation Only

MANILA, Philippines – Naglabasan sa gate ng mga tauhan at opisyal ng sinasabing POGO hub na matatagpuan sa Macapagal Avenue, Pasay City na nilusob ng mga awtoridad nitong Huwebes ng gabi, Oktubre 4.

Naabutan ng mga awtoridad ang ilang empleyado roon na karamihan ay mga Chinese national.

Nasa 200 dayuhan ang naabutan sa loob ng mga kwarto sa hinihinalang POGO ‘scam hub.’

Natagpuan din sa dalawang magkahiwalay na kwarto ang mahigit 70 empleyadong Pinoy.

Umamin ang ilan sa mga naabutang empleyado na sila ay sumasahod ng mula P16,000 hanggang P20,000 para mang-scam sa mga dayuhan.

Ayon sa mga emplyado, isang Chinese national ang nagpapatakbo ng scam hub.

“There were a lot of Chinese nationals. May preparations sa biometric sa tinuturing na mga illegal aliens na ito, at aandar ang deportation case laban sa kanila,” pahayag ni Dana Sandoval ng Bureau of Immigration. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here