Home ENTERTAINMENT Lella, binisto ang pagiging mahigpit ni Daniel!

Lella, binisto ang pagiging mahigpit ni Daniel!

116
0

Manila, Philippines – No one else knows Daniel Padilla nbetter than his younger sis Lella Ford.

Kung tutuusin nga, mas bantay-sarado si Lella sa kanilang mismong tahanan kesa sa pinanggalingang Bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother.

Aba, mas mahigpit pa daw ang kanyang real-life kuya!

“Si kuya, may pagka-strict po talaga,” pambubuko ng PBB winner kay Daniel.

Even before she got into showbiz, sagana daw si Lella sa mga payo’t habilin nito.

“Dapat daw po, gusto ko ‘yung ginagawa ko…hindi lang daw po puro rainbows and butterflies sa showbiz. Marami daw pong rollercoaster rides, ups and downs. Inisa-isa po niya talaga,” patuloy ng 20 anyos na dalaga.

Bluntly, tinanong daw siya ng Kapamilya actor kung kakayanin niya, kung matatagalan niya!: “It’s not going to be easy, so you have to love it!”

Aware naman daw ang showbiz upstart that her kuya only wants the best for her.

What about advice involving boys, nanghihimasok din ba si Daniel?

Aniya, nothing specific daw ang bilin sa kanya except that: “He tells me, ‘Carmela, ayus-ayusin mo!’ Gets ko na kung ano ang ibig niyang sabihin!”

But is she under her kuya’s watchful eye na tipong bawat galaw niya’y binabantayan?

“Meron pa rin, pasilip-silip pa din si kuya. I know naman na gusto lang niya ako maging masaya. He’s just being supportive,” sey ni Lella.

A little over 10 years ang tanda ni DJ sa kapatid who’s just learning the ropes of the trade–kaya kauna-unawa kung stage brother man ito. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here