Home TOP STORIES Leni Robredo pinuri ang ‘Garden of Life’ Cemetery Project ni Benhur Abalos

Leni Robredo pinuri ang ‘Garden of Life’ Cemetery Project ni Benhur Abalos

Pinuri ni dating Bise Presidente Leni Robredo ang Garden of Life, isang award-winning na pampublikong sementeryo na proyekto ni Benjamin “Benhur” Abalos Jr. noong siya ay mayor ng Mandaluyong City. Sa pagbisita ni Robredo sa pasilidad, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagbibigay ng marangal at maayos na huling pahingahan para sa mga pumanaw, na aniya ay maaaring gawing modelo ng iba pang lungsod, kabilang ang Naga City.

Sa isang Facebook post, pinasalamatan ni Robredo sina Mandaluyong City Vice Mayor Menchie Abalos, Konsehal Charisse Marie Abalos-Vargas, at ang lokal na pamahalaan sa mainit na pagtanggap at pagbabahagi ng proyektong ito.

Ang Garden of Life ay isa sa mga multi-awarded na proyekto ni Benhur Abalos, na tumanggap ng prestihiyosong Galing Pook Award dahil sa impact at innovation nito. Sa kasalukuyan, may mahigit 16,800 benepisyaryo ang proyekto, na nagbibigay ng disente at maayos na libingan para sa lahat ng pamilya, anuman ang estado sa buhay. Dave Baluyot