Home HOME BANNER STORY Leviste, Paras ipatatawag ng NBI sa planong pag-frame kay Recto

Leviste, Paras ipatatawag ng NBI sa planong pag-frame kay Recto

3
0

MANILA, Philippines – Isusubpoena ng National Bureau of Investigation (NBI) sina Batangas First District Rep. Leandro Leviste at dating kongresista Jing Paras kaugnay ng affidavit ng isang naarestong talent manager na nagsabing umano’y may plano silang i-frame si Executive Secretary Ralph Recto sa isang “bugaw” o human trafficking scheme.

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, inaasahang ilalabas ang subpoena at dapat magpaliwanag sina Leviste at Paras sa susunod na linggo.

“Magbigay-linaw sila dito kasi mahirap namang sa social media mo lang itatanggi,” ani Matibag.

Kaugnay ang alegasyon sa entrapment operation ng NBI sa isang five-star hotel sa Malate, Manila, kung saan naaresto ang talent manager at nasagip ang limang babaeng artista.

Ayon sa NBI, sinabi ng talent manager na kinausap siya ni Jing Paras upang hikayatin ang apat na babae na gumawa ng pekeng pahayag na pinilit umano sila ni Recto na gumamit ng ilegal na droga at makipagtalik sa kanya.

Ang umano’y kapalit ay P1 milyon bawat isa, o kabuuang P5 milyon para sa talent manager at apat na babae. Sinabi rin ng talent manager na si Leviste umano ang nagpondo sa plano laban kay Recto.

Hindi pa sumasagot sina Leviste at Paras sa mga tanong tungkol sa subpoena. Sa isang pahayag, itinanggi ni Leviste ang pagkakasangkot at sinabi: “May mataas na opisyal ng gobyerno na tila nambabae sa [certain place]. Wala akong kinalaman doon.”

“Naging defensive at nagpakalat siya ng fake news. Pero biglang dinelete. Pinadelete ba niya iyung article dahil ayaw niyang lumabas ang katotohanan?” dagdag pa niya. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here