Home HOME BANNER STORY Leviste: Pilipinas, posibleng humarap sa mas malalang debt crisis

Leviste: Pilipinas, posibleng humarap sa mas malalang debt crisis

174
0

MANILA, Philippines – Nagbabala si Batangas 1st District Rep. Leandro Legarda Leviste na posibleng mas malala pa ang kinakaharap na debt crisis ng Pilipinas kumpara sa kasalukuyang oil crisis kung hindi titigil ang gobyerno sa umano’y “wasteful spending” at hindi magbawas ng malalaking gastusin.

Ayon kay Leviste, aabot sa tinatayang ₱300 bilyon ang mawawala sa bansa ngayong taon dahil sa pagtaas ng presyo ng langis, ngunit mas malaking problema umano ang lumolobong utang ng bansa.

Sinabi niya na maaaring lumampas sa ₱19 trilyon ang pambansang utang, o katumbas ng 65% ng GDP—ang pinakamataas sa loob ng 20 taon.

Dagdag pa niya, umabot na sa 6% ng GDP ang deficit habang bumagal ang ekonomiya sa 4.4% noong 2025, at higit 20% ng buwis ng mamamayan ay napupunta lamang sa interes ng utang.

“Hindi tayo makakaahon sa krisis sa pamamagitan ng pangungutang,” ayon kay Leviste, at iginiit na kulang ang pondo ng gobyerno para protektahan ang publiko laban sa mataas na presyo ng langis kung hindi babawasan ang gastusin.

Naghain din siya ng House Resolution No. 911 na layong makapagtipid ng hindi bababa sa ₱12.9 bilyon mula sa pagho-host ng 2026 ASEAN Summit.

Hinimok din niya ang publiko na suportahan ang panawagan para sa pagbabawas ng mga hindi kailangang gastusin ng gobyerno. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here