MANILA, Philippines – Nagkaroon ng iringan sa pagitan ng mga rallyista at mga tauhan ng Manila Police District (MPD) nang tangkaing makapasok sa barikada ang LGBTQ+ sa kahabaan ng Recto Avenue sa Maynila.
Mula Recto, nagmartsa patungong Mendiola ang mga rallyista kung saan may inilagay na barikada.
Sigaw ng grupo na ipasa ang SOGIE Equality Bill gayundin ang iba pang isyu na nakakaapekto sa LGBTQ+ community bilang pagdiriwang sa Pride Month.
Isinara ng mga awtoridad sa motorista ang parehong lane ng Recto Avenue sa pagitan ng Loyola Street at Mendiola sa harap ng University of the East upang hindi na makalapit pa ang mga rallyista sa Mendiola.