Home METRO LGU employee, utas sa suwagan ng 2 motorsiklo sa Elyu

LGU employee, utas sa suwagan ng 2 motorsiklo sa Elyu

247
0

LA UNION- Patay ang isang 56-anyos na lalaki matapos bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa nakasalubong na motorsiklo sa barangay road sa Brgy. Boy-utan, Bauang ng lalawigang ito, Sabado ng gabi, Agosto 9.

Ayon sa Bauang MPS, ang driver ng kulay blue na Yamaha R15 ay isang LGU employee samantalang ang 23-anyos na driver ng Yamaha Mio motorcycle ay isa namang construction worker, parehong residente ng naturang bayan.

Nabatid na ang Yamaha R15 ay bumibiyahe papuntang silangan samantalang papunta naman sa kasalubong na direksyon ang Yamaha Mio.

Pagdating sa pinangyarihan ng insidente ay nagkasalubong at nagsalpukan ang dalawang motorsiklo sa gitna ng kalsada.

Dahil dito, sugatan ang dalawang driver at pareho silang isinugod sa Ilocos Training and Regional Medical Center (ITRMC) sa San Fernando City, La Union.

Gayunman, ang driver ng Yamaha R15 ay idineklarang dead on arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here