MANILA, Philippines- Libo-libong trabaho ang alok sa mga Pilipino sa Czech Republic, ayon sa isang opisyal ng naturang bansa sa pagbubukas ng Philippines-Czech Republic Friendship Week sa tanggapan ng Department of Migrant Workers sa Mandaluyong.
Sinabi ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na ang dalawang bansa ay nagkasundo na pagbutihin ang oportunidad sa trabaho para sa mga Pilipino kahit na ang benepisyo ng mga Pilipinong manggagawa ay pareho sa benepisyo ng Czech workers, kabilang dito ang helathcare at sahod.
Sinabi ni H.E Karel Hejc, Ambassador ng Czech Republic sa Pilipinas, na ang pangunahing sweldo ay nasa pagitan ng €2,000 at €3,000 at pataas depende sa kakayahan. Papalot ito sa mahigit P125,000 kada buwan. Pero bukod aniya sa sahod, magandang benepisyo ang naghihintay sa mga Pilipino.
Ang job vacancies ay para sa lahat ng sektor at industriya–mula healthcare, manufacturing, transportation, information technology, bukod sa iba.
Sinabi ng Czech envoy na mas gusto nila ang mga Pilipino dahil sa etika ng trabaho at pagiging palakaibigang tao.
Tinaasan ng Czech Republic ang quota para sa mga manggagawang Pilipino mula sa dating 5,500 manggagawa kada taon hanggang 10,300 kada taon.
Isinasalin ito sa libo-libong trabahong bukas sa mga Pilipino sa Czech Republic sa mga susunod na taon. Jocelyn Tabangcura-Domenden