UMABOT sa 39 na pares ang ikinasal sa libreng Kasalang Bayan 2024 na handog ng pamahalaang lungsod ng Navotas. Kabilang sa mga ikinasal
sina Cirilo Arsenio, Jr. at Annabel Alcantara, na 27 taon ng nagsasama. Binigyang-diin ni Mayor John Rey Tiangco ang kahalagahan ng
pag-aasawa sa pagbuo ng matatag na pamilya at komunidad. JOJO RABULAN