MANILA, Philippines- Magtatalaga ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng “Libreng Sakay” para sa dalawang araw na transport strike na inorganisa ng dalawang transport groups ngayong Lunes at sa Martes (Setyembre 23 at 24).
Sinabi ng transport groups na Piston at Manibela na magsasagawa ito ng panibagong kilos-protesta upang tutulan ang Public Transport Modernization Program (PTMP).
Inihayag ni LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III na nakipag-ugnayan na sila sa kaukulang government agencies at local government units (LGUs) upang tumulong sa pag-asisti sa commuters na maaapektuhan ng transport strike.
“We remain committed to ensuring the commuting public’s access to transportation,” giit ni Guadiz.
Umapela rin ang ahensya sa mga driver na kalahok sa strike na huwag magdulot ng mabigat na daloy ng trapiko sa major thoroughfares. RNT/SA