Home NATIONWIDE Easterlies magpapaulan sa Bicol, E. Visayas, Mindanao

Easterlies magpapaulan sa Bicol, E. Visayas, Mindanao

MANILA, Philippines- Magdudulot ng pag-ulan ang easterlies na nakaaapekto sa eastern section ng Visayas at Mindanao ngayong Lunes, base sa PAGASA.

Inaasahan sa Bicol Region, Eastern Visayas, Caraga, at Davao Region ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa easterlies.

Iiral naman sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa localized thunderstorms.

Ang coastal waters ay magiging moderate to rough sa northern at western sections ng Northern Luzon.

Samantala, magiging light to moderate naman ang coastal waters sa natitirang bahagi ng bansa.

Sumikat ang araw ng alas-5:45 ng umaga at lulubog ng alas-5:51 ng hapon. RNT/SA