Home METRO Libreng Sakay sa MRT-3, LRT-2 alok sa solo parents ngayong Abril 26,...

Libreng Sakay sa MRT-3, LRT-2 alok sa solo parents ngayong Abril 26, 2025

MANILA, Philippines- Alok sa solo parents ang libreng sakay sa Metro Rail Transit-3 at sa Light Rail Transit-2 ngayong Sabado, Abril 26, 2025 sa pagdiriwang ng National Solo Parents Week, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Biyernes.

Base kay Myla Monsod ng Strategic Communications Office ng DSWD, available ang libreng sakay mula 7 a.m. hanggang 9 a.m. at 5 p.m. hanggang 7 p.m.

Kailangan lamang ipresenta ng solo parents na nais mag-avail ng libreng sakay ang kanilang Solo Parent ID. RNT/SA