Home METRO ‘Pope Jeep’ tampok sa Quiapo church sa Maynila

‘Pope Jeep’ tampok sa Quiapo church sa Maynila

MANILA, Philippines- Dinala ang “Pope Jeep” na ginamit ni Pope Francis nang bumisita siya sa Pilipinas noong 2015 sa Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno, mas kilala bilang Quiapo Church nitong Biyernes.

Ayon sa ulat nitong Biyernes, nakaparada ang “Pope Jeep” sa labas ng simbahan kung saan maaaring magpakuha ang mga mananampalataya sa sasakyan at sa Pope Francis standee.

Ang “Pope Jeep,”  isang Vatican-approved design, ay isang non-armored vehicle na ginawa alinsunod sa hiling ng Pontiff dahil nais niyang mabati ang publiko.

Matapos bumiyahe sa Quiapo Church, dadalhin ang sasakyan sa San Antonio Parish sa Makati City ngayong Sabado, Abril 26, petsa ng libing ni Pope Francis.

Ang Pope Jeep ay mananatili sa Sanctuario de San Antonio parish church sa Makati hanggang Linggo, Abril 27.

Nasawi si Pope Francis sa stroke at irreversible heart failure noong Easter Monday, Abril 21. Siya ay 88 taong gulang. Nagsilbi siyang pinuno ng mahigit isang bilyong Katoliko sa loob ng 12 taon. RNT/SA