MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Department of Transportation na libre na ang sakay sa MRT-3, LRT-1, at LRT-2 simula alas-12 ng tanghali ngayong Lunes, Hulyo 21.
Ito ay batay sa atas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa mga mamamayan na bumibiyahe kasabay ng nararanasan na malalakas na pag-ulan dulot ng Southwest Monsoon o Habagat.
Ayon sa DOTR, prayoridad ng ahensya ang kaligtasan ng mga pasahero at sa pamamagitan ng libreng sakay ay magkakaroon ng ligtas at alternatibong paraan ang mga pasahero na makauwi sa kani-kanilang mga tahanan. RNT/JGC